Abante Tonite Interactive

Pinakamahirap bigkasing tongue twister

181

Napaka-imposible para sa isang ordinaryong tao na madilaan ang kanyang sariling siko. (try mo?)

***

Hindi kayang ilabas ng buwaya ang kanyang dila. Ito’y perma­nenteng nakalagay sa itaas na bahagi ng kanyang bibig upang ‘di makapasok ang tubig sa kanyang lalamunan habang nasa ilalim ng tubig.

***

Alam n’yo ba na ang puso ng hipon ay matatagpuan sa kanyang ulo. Dahil ang dibdib at ulo nito ay natatakpan lamang ng iisang shell. Sa pang­kalahatan, ang katawan ng hipon ay nahahati lamang sa dalawang parte, ang ulo at buntot.

***

Ang baboy ay hindi kayang tumingala para makita ang langit habang nakatayo dahil sa napaka-iksing leeg nito. Kinakaila­ngan pa nitong humiga para lang makita ito.

***

Ang “sixth sick sheik’s sixth sheep’s sick” ang itinuturing na pinaka­mahirap bigkasing tongue twister.

***

700 beses na ­tataas ang mga bakterya sa iyong tainga kapag gumamit ka ng headphone sa loob ng isang oras.

***

Ang mga lipstick na ginagamit pangpaganda ng mga kababaihan ay hinahaluan ng kaliskis ng isda.

***

Ang ihi ng pusa ay naggo-glow kapag tinamaan ng black light. Ang mataas na protinang taglay nito ang isa sa posibleng dahilan.