Abante Tonite Interactive

Pinakamalaking death rate sa COVID 19 naitala ng DOH

483

Naitala ng Department of Health (DOH) ang pinakamataas na bilang ng mga nasawi dahil sa Coronavirus disease (COVID-19) na 29 sa pinakahuling report kahapon.

Sanhi nito umabot na sa bilang na 136 ang nasawi mula sa dating 107.

Sa DOH COVID-19 Case Bulletin #020, nakapagtala rin ng 385 bagong nagpositibo sa COVID-19 kaya pumalo na sa 3,018 ang bilang mga nahawaan ng virus.

Binigyan naman ng DOH ng pagkakilanlan ang mga bagong nagpositibo sa virus bilang PH2634 -PH3018.

Habang nadagdagan naman ng isa ang naka rekober sa sakit na umabot sa 52 .(Juliet de Loza-Cudia)

Tonite – Wendys Inhouse Ad