Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pinakamalaking protesta kinasa ng mga health worker

0 64

Nagsagawa ng kilos protesta, ang iba’t ibang grupo ng Health workers sa harap ng gusali ng Department of Health (DOH) sa Sta. Cruz, Maynila.

Unang nagtipon-tipon ang mga health worker­ sa harapan ng Philippine General Hospital (PGH) bago nag-martsa patungo sa tanggapan ng DOH.

Iginiit ng mga health worker, ang pagbibitiw ni Health Secretary Francisco Duque III dahil sa kapabayaan, walang kakayahan at hindi mabisang pagtugon sa Covid-19 pandemic at ‘di agarang pagbibigay ng kanilang mga benepisyo.

Samantala, sinabi ng Filipino Nurses United (FNU) convenor Eleanor Nolasco na tuloy-tuloy ang isasagawa nilang kilos protesta laban sa DOH dahil hanggang sa ngayon ay marami pa ang hindi nakakatanggap ng benepisyo. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.