Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pinakamalaking testing facility sa Calabarzon pinasinayaan

0 49

Binuksan na sa publiko ng Department of Health-Calabarzon ang pinakamalaking testing facility ng rehiyon para sa COVID-19 at iba pang karamdaman.

Ito ay matapos na pasinayaan ng DOH-Calabarzon, kasama ang mga local government official ng Mauban, Quezon kahapon, ang Mauban Municipal Health Office Molecular Laboratory.

“Ang facility na ito ay hindi lamang magagamit para sa COVID tests kundi para rin ito sa molecular tests ng ibang pathogens, gaya ng influenza at iba pang mga sakit upang makatulong sa ating mga doktor na ma-identify ang infection sa early stages nito,” ani Assistant Regional Director Paula Paz Sydiongco. “Sa pamamagitan nito ay makakapagbigay tayo ng tamang treatment modality at mahinto ang pagkalat nito sa ating komunidad.”

Nabatid na ang nasabing pasilidad, na matatagpuan sa Brgy. Bagong Bayan, ay mayroong administrative office, supply room, stock room at swabbing area.

Aabot sa 180-200 specimen kada araw ang kaya nitong iproseso na may turnaround na 48 oras o dalawang araw.

Bukas ang laboratoryo tuwing weekdays mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.