Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pinakamalalim na pool sa mundo, puwede nang sisirin

0 104

Binuksan na ang pinakamalalim na swimming pool sa buong mundo.

Sa report ng National Public Radio report, may lalim ang “Deep Dive Dubai” na 196 talampakan o 59 metro.

Nasungkit ng “Deep Dive Dubai” ang Guinness World Record para sa “World’s Deepest Swimming Pool For Diving.”

Nilampaso nito ang dating may hawak ng record na Deep Spot sa Poland, na may lalim lamang na 147 talampakan o 45 metro.

Related Posts

Dinisenyo ito upang maging katulad ng isang Sunken City.

Ang mga diver ay maaaring maglaro sa underwater pool, foosball o chess, o maaari lamang nilang tuklasin ang kailaliman ng malawak at multi-themed facility.

Katumbas umano ng halos anim na Olympic-sized swimming pool ang “Deep Dive Dubai” o 14 milyong litro ng tubig at hugis oyster. May apartment at maaaring maglaro ng arcade.

Ang mga hindi diver ay maaari namang panoorin lang ang mga maninisid mula sa built-in restaurant ng pasilidad. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.