Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pinakamataas na bilang ng bagong COVID case, naitala sa Davao City

0 168

Iniulat ng Department of Health nitong Miyerkoles ang 1,438 bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Dahil dito, pumalo sa 434,357 ang kabuuang tinamaan ng coronavirus sa bansa, 26,916 ang active case.

Sa naitalang bagong kaso, pinakamataas na bilang ay mula sa Davao City sa 142.

Sumunod ang Laguna (89), Quezon City (80), Maynila (63) at Pampanga (58).

Samantala, 232 pang pasyente ang nakarekober sa sakit na nagpaakyat sa total recoveries sa 399,005.

Tumaas naman sa 8,436 ang death toll matapos makapag-record ng 18 bagong pumanaw sa virus. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.