Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pinakamataas na heat index tumama sa Dagupan

0 268

Naitala ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pinakamataas na heat index ngayong taon nitong Sabado sa Dagupan City.

Ayon sa ahensya, 51 °C ang naranasan sa nasabing siyudad dakong alas-2:00 p.m. ng hapon sa nabanggit na araw.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang naturang temperatura ay mas mataas sa 49°C na naunang naitala ng PAGASA bilang pinakamainit na naranasan ngayong taon. Ito ay naitala rin sa parehong lugar noong Abril 6.

Dagdag pa ng PAGASA, ang nasabing temperature ay pasok sa tinatawag nilang “danger range” kung saan ang ganito kainit na panahon ay maaaring magdulot ng heat cramps at panghihina. Maaari rin itong magdulot ng heat stroke. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.