Abante Tonite Interactive

PINAKAMATAMLAY

By
7

Maraming humuhula na ang Metro Manila Film Festival 2016 ang magi­ging PINAKAMATAMLAY na taon ng nasabing filmfest.

Optimistic pa rin ang mga taong involved doon na magiging successful ang eight official movies.

Ang pelikulang Die Beautiful ni Paolo Bal­lesteros, kahit pang-adults ang theme, ang lakas ng dating ng trailer.

Abante Hiring – IT dep

***

NAUNANG nag-ABS-CBN si Jaya nang magsimula siyang maging judge sa TAWAG NG TANGHALAN sa It’s Showtime.

Pagpasok ng 2017, Kapamilya na rin ang kumpare’t long-time friend ni Jaya na si Ogie Alcasid na nakasama niya sa napakaraming GMA 7 shows.

Magiging judge ng Your Face Sounds ­Familiar (Celebbrity Kids Edition) ang ­mister ni Regine Velasquez-Alcasid.

Wala kayang balak ang Kapamilya network na pagsamahin sa isang show sina Jaya at Ogie?

Anyway, noong ­Martes ay pumirma na ng recording deal si Jaya kasama ang ­manager ­niyang si Erickson ­Raymundo sa Star Music.

“I’m so thankful for the opportunity and trust!” ani Jaya.

***

May malaking proyektong pinaghahandaan ang Kapamilya network para sa 2017.

Alamat ang working title ng proyektong ‘yon.

‘Yon na kaya ang papalit sa Ang Probinsyano ni Coco Martin?

***

After the Songwriters Series concert sa KIA Theater last weekend, abala na si Louie ­Ocampo sa Valentine concert na Masquerade nina Martin Nievera at Lani ­Misalucha.

Si Louie ang musical director ng concert na ito sa grand ballroom ng Solaire Resorrt and Casino sa Pebrero 14 at 15 (may Pebrero 12 rin sila sa grand ballroom ng Waterfront Hotel sa Cebu City).

Galing na sa US ang Masquerade at may sold-out two-night sila sa Pechanga Casino.