Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pinalagan ng biktima, city hall employee swak sa child porn

0 172

Timbog ang isang lalaking tauhan ng Manila City Hall na nagbebenta umano ng malalaswang larawan at video ng mga menor de edad.

Kinilala ng Manila Police District (MPD) ang naarestong suspek na si Reymil Sadi, dalawang taon nang job-order employee sa city hall.

Sa imbestigasyon ng awtoridad, sinabing kinukuhanan ng mga suspek ng malalaswang litrato at video ang ilang menor de edad, saka niya ibinebenta online sa mga banyagang manyak.

“Ang mga biktima niya dito, mga bata. Ine-exploit niya ang mga bata na ito,” sinabi ni Police Capt. Philipp Ines ng MPD public information office.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinasabing marami na ring nabiktima si Sadi pero may isang hindi umurong at nagreklamo.

Kaya naman, kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act ang kahaharapin ngayon ng lalaki.

Walang piyansa ang kaso laban kay Sadi. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.