Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pinalakas na proteksiyon at benepisyo sa media lusot na

0 74

Nakalusot na sa Committee on Labor and Employment ang panukala na layong palakasin ang fourth estate ng bansa at tiyakin na naibibigay ng mga media companies and networks ang tamang kompensasyon at benepisyo sa mga media workers.

Sa House Bill 2476 o ang Enhanced Protection, Security and Benefits for Media Workers Act na iniakda ni ACT-CIS Partylist Rep. Nina Taduran, kasama sa mga benepisyong nakapaloob ang tamang sahod, security of tenure, hazard at overtime pay, insurance at iba pang benepisyo para sa mga media practitioners.

Nakasaad pa sa panukala na ang mga miyembro ng media na aatasan na mag-cover sa dangerous at hazardous events o situations ay bibigyan ng karagdagang ₱500 arawang sahod.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Magkakaroon din ng ₱200,000 death and disability benefits ang apektadong mamamahayag.

Bukod dito, Bibigyan din ng mga protective equipment ang mga media workers tulad ng bullet proof vests at helmets gayundin ang medical grade personal protective equipment sa tuwing magcocover sa mga hazardous areas.

Bubuo rin ng Media Tripartite Council na siyang titiyak na nasusunod ang pagbibigay proteksyon sa mga miembro ng media. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.