Abante Tonite Interactive

Pinalaki akong may delicadeza — Tetay

710

Nagulat na lang ang lahat sa ipinost ni Kris Aquino last Friday night na disqualified na ang horror film na “K(Ampon)” ng Quantum Films sa Metro Manila Film Festival (MMFF) at ito ay dahil nga sa na-late ang produksyon sa pagsusumite ng letter of request na magpapalit sila ng lead actor.

As we all know, ang original na lead actor ng movie ay si Derek Ramsay na nag-back-out dahil hindi kaya ng schedule.

Sa kanyang sunod-sunod na post sa Instagram, ipinaliwanag ni Kris ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari na naging dahilan kung bakit na-late sila sa filing ng letter of request.

“To put this chapter immediately behind me, @ramsayderek07 backed out August 2. Attorney Joji communicated with me on August 3, and we reached out to @concepciongabby through @popoycaritativo. At midnight, meaning August 4, Gabby said YES.

“Letter was submitted August 5 to MMFF COMMITTEE. i have read the suggestions na mag appeal, pinalaki po akong may DELICADEZA, 2 members of the executive committee are friends, 1 is one of my closest friends- kaya hindi ko magawa…” pahayag ni Kris.

Aminado rin ang media influencer na tulala siya ngayon dahil sa nangyari.

“Tulala ngayon kasi bukod sa hindi tuloy ang isang project na ginusto ko talaga, may ilang milyon din na sagutin kami sa MMFF bond, prod staff, crew, and artists… no blame game, but to clear my name, i was concerned about shooting until we had the approval of the MMFF rules committee, but i wasn’t producer in charge… as i said, #lessonslearned.

Sa sumunod niyang post, nilinaw naman niya na naintindihan niya si Derek sa pagba-back out pero nahihiya rin siya na nadamay pa si Gabby. And malinaw pa rin na talagang sobra ang panghihinayang niya na hindi na matutuloy ang pelikula.

“Friday, August 16, was supposed to be a good day. We secured funding from a conglomerate that has always supported me… but i didn’t want to be ‘that girl’, yung gagamit ng friendships & ‘palakasan’… kaya tinanggap with humility na hindi tamang panahon para sa (K)Ampon.

“Pero kailangan umamin, ang panindigan ang prinsipyo and playing by the rules when clearly others would choose not to, mahirap at … uulitin ko, i perfectly understand that @ramsayderek07 has a @gmanetworkcontract and (K)Ampon is not a coproduction with them. @quantumfilmsph missed submitting the letter of the change in leading man by 5 days because Atty Joji & Derek only spoke on August 2, a Friday.

“Ano nga bang pakialam nyo sa movie na hindi matutuloy? it matters to me because please learn from my pain, i hope- missed deadlines will matter a lot… holding on to your values & principles will define you NOW & in the future… and it’s okay to not always be the brave girl when something that INSPIRED you is now gone, dahil ginusto mong patunayan na pantay pantay nga tayong lahat.

“Nakakahiya kasi nadamay pa si @concepciongabby. Boy Abunda always said ‘honor your pain’ and that’s what i’ll do, i won’t force myself to pretend okay ang lahat. You & i deserve much more than the pretend version of me. SEE YOU… WHEN I AM ME AGAIN,” ang mahabang post ni Kris.

Andrea sinamahan
ng multo sa elevator

Parehong naniniwala sa ghosts ang mga bida ng “The Ghosting” na sina Andrea Brillantes at Khalil Ramos dahil may personal experience na sila tungkol dito.

Kuwento ni Andrea, “ako po, dati kasi, nakatira kami sa Taytay, Rizal, medyo bundok po siya. And hindi ko alam kung pinagti-trip-an po lang ako ng yaya ko that time, pero usually, magigising ako ng 4am or 3am, tapos may naririnig akong creepy na tawa du’n sa bintana.”

Bukod dito, sa tapat daw ng bahay nila ay isang abandoned house at walang nakatira pero makikita raw nila na nagbubukas pa rin ang mga ilaw dito.

Ayon naman kay Khalil, hindi pa raw siya nakakakita pero ilang beses na raw siyang nakaramdam ng medyo kakaiba.

“Last night lang, actually, meron akong ano… hindi ko na lang inisip na baka super-natural ‘yun, pero biglang namatay ‘yung electric fan ko, hinugot sa saksakan eh ako lang naman ang nandu’n sa kuwarto ko kagabi,” kuwento ni Khalil.

Marami pa raw siyang weird stuff na na-experience pero ang pinakamalala raw ay nangyari sa lumang bahay nilang medyo haunted.

“‘Yung mga kasambahay namin, nakakakita raw sila roon pati ‘yung daddy ko.

“Ako, ang naramdaman ko, may narinig akong nagwawalis sa labas, walis tingting pero 3am na. Tapos biglang sobrang lakas ng hangin, humampas ‘yung bintana ng kuwarto ko. Takbo ako sa ilalim ng kumot, tapos tinawagan ko mommy ko, para pumasok, buksan ‘yung ilaw, kasi sobrang takot ako.

“Pero yup, naniniwala ako kasi nangyayari talaga siya, eh,” sabi ni Khalil.

Singit naman ni Andrea, “sa ABS, madami,” pagbibiro niya sabay-tawa. “Mga bata na sasamahan ka sa elevator.”

When asked kung “The Ghosting” na ba talaga ang original title ng horror film or sinadyang palitan lang because of the Gerald Anderson-Bea Alonzo-Julia Barretto controversy, ayon kay Khalil, “the title was conceptualized way before the issue came up, so, no relation to whatever controversy is out there.”

Ang “The Ghosting” ay tumatalakay sa Solante urban legend tungkol sa isang batang babae na may dala-dalang headless doll at humihingi ng tulong sa mga passersby na tulungan siyang makauwi which happens to be a mysterious red house na siya lang at ang mga biktima niya ang nakakakita.

Sa pelikula ay walang romantic angle sina Khalil at Andrea dahil magtutulungan sila upang malutas ang misteryo at maalis ang sumpa.
Showing na sa Aug. 28 ang “The Ghosting” mula sa direksyon ni Joey de Guzman hatid ng Reality Entertainment.