Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pinalayang rape-slay suspect nagbigti

0 298

Dahil sa hinalang sundot ng konsensiya sa ginawang krimen, pagpapakamatay sa pamamagitan ng pagbigti ang naisip na solusyon ng isang akusado sa panggagahasa sa isang 12-anyos na batang babae sa Rosario, Cavite.

Pasado alas-6:00 kahapon ng umaga nang matagpuang wala ng buhay si Gilbert (di tunay na pangalan) na nakabitin ang leeg gamit ang isang lubid.

Si Gilbert ay suspek sa pagpatay at panggagahasa sa isang 12-anyos na babae na natagpuang nakabaon sa lupa ang katawan sa Brgy Muzon 2, Rosario, Cavite nitong August 30.

Naaresto ng Rosario police si Gilbert sa Trece Martires City, Cavite noong September 21, makaraang makipagtulungan ang pamilya nito, pero kamakalawa ay nagbaba ng kautusan ang piskalya para palayain ang suspek (released for further investigation) pero kahapon ng umaga ay natagpuan nang nagbigti sa loob mismo ng kanilang bahay sa Brgy. Muzon, Rosario, Cavite.

Matatandaang natagpuang patay ang biktimang si Louisa Hilera, 12-anyos dakong alas-6:30 Linggo ng gabi noong August 30 na nakasilid sa sako, lawit ang dila, nakabaon sa lupa at pinaniniwalaang ginahasa. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.