Abante Tonite Interactive

Pinalayas ng boyfriend

288

Dear Dream Catcher,

Dalawang beses ko na pong napana­ginipan na may iba na raw gustong babae ang BF ko, at inimbitahan pa niya ito sa bahay. Nang kausapin ko daw ang BF ko ay pinapalayas na daw niya ako dahil ayaw na raw niya sa akin kaya sobrang iyak ko hanggang sa ako’y magising. Sa pangalawang panaginip ko, sinabi raw ng BF ko sa kapatid niya na hihiwalayan na niya ako kaya sinabi naman ito sa akin ng kapatid niya.

Nakita ko rin uli ang babaeng gusto ng BF ko kaya lalo akong naiyak. Pero isang tao raw ang lumapit sa akin at sinabing magi­ging okay din ang lahat. Ano po ang kahulugan ng mga panaginip ko?

Rachel

Dear Rachel,

Ang ganitong panaginip ay isa sa mga common dream ng isang taong nasa isang relasyon. Kadasalan ito’y may kinalaman sa iyong feeling ng insecurity.

Kung hindi ka kuntento sa iyong relasyon, kadalasang nagkakaroon ng ganitong panaginip.

Related Posts

Ang panaginip na may iba nang mahal o nagtataksil sa iyo ang iyong karelasyon ay posibleng nag-uugat sa diskuntentong ang iyong nararamdaman.

Kung feeling mo ay hindi ka karapat-dapat sa iyong BF, at kung masyadong bumaba ang kumpiyansa mo sa sarili ay maaari ring maka-trigger ng ganitong klaseng panaginip.

Pero alam mo bang minsan ang mga ganitong panaginip ay posibleng nag-uugat sa kagustuhan mong kumalas sa relasyon? May pagkakataong ang isang nanaginip ang may tunay na intensyong lumayo o pumutol sa relasyon. Kung ganito ang sitwasyon mo, ang mensaheng magiging okey ang lahat ay pagkumbinsi ng isip mo.

Dream Catcher

***

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang espiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.