Abante Tonite Interactive

Pinalitan na si Janella: Elmo Magalona may bagong dyowa

791

tonite-this-is-it-roldan-castroAyon sa aming souce, may bagong dyowa na raw si Elmo Magalona.

Isang non-showbiz girl, sexy at sakto ang kagandahan.

Nakita sila ng a­ming source na naglalakad nu’ng Thursday sa High Street BGC. Nakaangkla raw si Moe sa girl.

At least, kung nali-link ngayon si Janella Salvador kay Markus Paterson, may bagong inspirasyon na rin si Elmo.
Talbog!
***

Jamie unang evictee sa Batch 4 ng ‘PBB Otso’

Ang “Responsible Rampanganay ng Quezon City” na si Jamie Salenga ang unang evictee ng Batch 4 Adult Housemates ng “PBB Otso.”

Nakakuha si Jamie ng pinakamababang public votes na 8.96% noong Linggo (Hunyo 9). Nakamit ni Sky Quizon (69.9%) ang pinakamataas na boto at sinundan naman siya ni Mae Alfante na nakakuha ng 21.14%.

Bukod sa eviction, humarap din sa matinding pagsubok ang adult housemates noong nakaraang linggo nang ibigay ni Kuya ang “Jump Rope Exchange 8” challenge. Dito ay hinati sila sa dalawang grupo at kailangang makapagpalit ng summer at rainy outfits nang hindi napapatid sa jump rope.

Nagtagumpay ang Team Mae, ngunit nabigo naman ang Team Akie matapos nilang magkaroon ng 10 errors. Dahil dito, 50% ng kanilang weekly budget ang mababawas para ngayong linggo.

Ano nga kaya ang bagong hamong ibibigay sa kanila ni Kuya?

Samantala, maaari pa ring bumili sa “Pinoy Big Ukay” ng adult housemates. Pumunta lamang sa instagram.com/pbbabscbntv para makapag-order. Ang proceeds nito ay mapupunta sa pag-aaral ng mga anak na may special needs ng housemate na si Hasna Cabral.

Panoorin ang “PBB Otso,” gabi-gabi sa ABS-CBN. Mapapanood din ang “PBB Otso Gold” sa Kapamilya Gold pagkatapos ng “Los Bastardos.”