Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pinalubog kami ng PhilHealth – PHA exec

0 43

Nagsasara na umano ang ilang ospital sa bansa dahil hindi pa sila binabayaran ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

“It’s very, very sad. We are hoping na magbago na ang sitwasyon,” sabi ni Philippine Hospital Association (PHA) president Jaime Almora.

Aniya, nagsara kamakailan lamang ang isang ospital sa Davao del Sur at isa pa sa Visayas.

Dagdag pa niya, ganoon pa rin ang gawain ng Philhealth pagdating sa singilin ng mga ospital kung saan ay dinadaan sila sa technical at hinahanapan ng palusot kaya hindi naglalabas ng bayad sa ospital.

Ang PHA ay may 1,987 na miyembrong mga ospital noon ngunit 1,900 na lamang umano ang kasapian nila ngayon dahil nagsara na ang ilan. Nasa 60% ng mga miyembro ng PHA ay mga government hospital at 40% naman ang private.

Bukod sa hindi pagbayad ng Philhealth, malaki rin aniya ang hamon ngayon sa mga ospital.

“Hindi lang iyan ang worry namin kasi magsusunod-sunod na ang mga problema. Ang mga nurses sa private nauubos na,” sabi ni Almora.

Walang nagtapos na mga bagong nurse nitong nakaraang tao at ang iba naman ay nagtatrabaho na lamang aniya sa call center habang nangibang bansa naman ang iba.

Susunod na aniya rito ang pagtataas ng singil ng mga ospital dahil nagtaas sila ng suweldo ng mga tao at para mabawi ang hindi binabayaran ng PhilHealth. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.