Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Pinas 3×3 league gusto na ring bumalik

0 235

Nakihalo na rin ang Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 sa mga liga na asam na mabigyan ng permiso para makapagsimula na rin ng ensayo tulad sa pagpayag ng gobyerno sa Philippine Basketball Association (PBA) at Philippine Football League (PFL).

Nakiusap si Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 commissioner Frederick Altamirano sa pagdalo sa Athletes’ Tribune noong Sabado ng gabi sa Inter-Agency Task Force (IATF) on the Management of Emerging Infectious Diseases na payagan na rin silang makapag-ensayo dahil;may malaking torneo ng lalahukan.

“We are appealing to the IATF to hopefully give us the opportunity to restart our practices,” ani Altamirano, na inihahabol ang koponan pa sa mga Olympic Qualifying Tournament ng 32nd Summer Olympic Games 20201 sa Tokyop, Japan. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.