Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Pinas akyat sa pang-4

0 76

HANOI, Vietnam — Isang bagito at apat na mga beterano ang mga sumambot ng gold medal para isampa ang Team Pilipinas sa pang-apat na puwesto ng medal tally sa 31st Southeast Asian Games 2022 dito at sa ibang lugar Sabado.

Pumoste si Vanessa Sarno, 18, ng Bohol, at nasa una niyang sabak sa SEA Games, ng tatlong new meet record sa snatch, clean and jerk at total lift upang pamayagpagan ang women’s weightlifting 71kgs event sa Hanoi Sports and Training Competition Center habang tsini-cheer ni Olympic champion Hidilyn Diaz.

Dinaig ng dalagang barbelista ang Thai at Indonesian para sa pangalawang gold ng mga Pinoy lifter na suportado ng Philippine Sports Commission, at itaas sa 47 gold-65 silver-88 bronze ang medakya ng bansa para pumang-apat mula sa panlima noong Biyernes.

“Hindi ko po akalaing mananalo ako dahil first SEA Games ko ito. Marami po akong pinagdaan kaya masayang-masaya po akong maka-gold,” anang barbelistang dalaga sa pagkaloob sa bansa ng pangalawang gold sa sport tapos ni Diaz sa 55kgs Biyernes.

Para rin ang araw sa kapwa 36-anyos na sina Treat Conrad Huey at Ruben Gonzales na wagi kina Jeson Patrombon at Francis Casey Alcantara sa all-Pinoy men’s doubles finals sa Hanaka Sports and Service Center para unang ginto ng bansa sa tennis.

At kina Carlo Biado at Rubilen Amit na wagi rin sa all-PH finals men & women’s 10-ball singles pool sa Hadong Gymnasium.

Binawian ni Biado, 38 si 9-ball tormentor Johann Chua, 9-3.

Gayundin si Amit, 40, na gumanti sa distaff side laban kay Chezka Centeno, 7-5, tapos siyang alpasan sa 2019 SEAG finals din.

“Natutuwa ako dahil PH versus PH finals. Walang pressure na mapunta sa ibang bansa ang gold,” ani Amit na ginto rin s 9-ball kontra sa Singaporean noong Martes. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.