Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Pinas alert level 1 sa Enero

0 177

Ibaba na sa alert level 1 ang bansa sa Enero 2022 para mapagtibay ang pag-ahon ng ekonomiya, ayon sa mga economic manager kahapon.

Sa joint statement nina Socio economic planning secretary Karl Kendrick Chua, Finance Secretary Carlos Dominguez III, at Budget and Management officer in charge Tina Rose Marie Canda, iginiit nilang tama ang kanilang naging istratehiyang tinahak na kinumpirma ito ng datos ng October 2021 labor force survey.

Pinakita sa survey na bumaba ang unemployment rate sa 7.4% noong Oktubre kung ikukumpara sa 8.9% nitong Setyembre kahit pa bumaba na ito sa 7.7% noong Mayo at Hunyo at bumaba pa sa 6.9% nakaraang Hulyo.

SM food to go Banner Ad

Inaprubahan ng mga economic manager ang 10-point policy agenda para mapabilis ang pag-ahon ng ekonomiya at nakatutok ito sa: metrics, pagbabakuna, healthcare capacity, ekonomiya at mobility, paaralan, domestic travel, international travel, digital transformation, pandemic flexibility bill, at medium term preparation for pandemic resilience.

“Backed by a stronger healthcare system, we will solidify our recovery by reopening the economy to alert level 1 in January 2022,” sabi ng economic managers. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.