Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Pinas COVID epicenter na sa Southeast Asia

0 243

Nangunguna na ang Pilipinas sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa mga bansa sa Southeast Asia matapos na makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 3,561 panibagong kaso hanggang alas-kuwatro ng hapon nitong Huwebes.

Base sa DOH COVID-19 Case Bulletin No. 145, umakyat na sa 119,460 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dahil dito, nilagpasan na ng Pilipinas ang Indonesia na huling nakapagtala ng 116,871 panibagong kaso noong Miyerkoles base sa Johns Hopkins University.

Nabatid na sa 3,561 bagong kaso ay 2,041 ang naitala sa National Capital Region; Laguna, 222; Cebu, 221; Cavite, 100; at Rizal, 81.

May 569 namang iniulat na bagong gumaling dahilan para umabot na sa 66,837 ang kabuuang bilang ng nakarekober sa COVID-19 sa bansa. Habang may 28 naman ang naitalang nasawi kaya umabot na sa 2,150 ang kabuuang bilang ng mga namatay sa COVID-19. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.