Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Pinas hari uli sa Australia 3×3

0 161

Kung maingay sinara ng Zamboanga Valientes ng Pilipinas ang taong 2020, gayundin nito binuksan ang 2021.

Muling nagkampeon ang Pinoy team sa Champions League Basketball 3×3 nang sorpresahin ang Clippers sa overtime, 21-12, sa finals nitong Sabado ng gabi sa Bendigo City, Victoria, Australia.

SM food to go Banner Ad

Inimbitahan ang Valientes rito nang silatin ang Australians at African selection nang pamayagpagan din nitong December ang 3×3 Christmas Hustle tournament sa Canberra para isali na rin silang miyembro ng Australia-New Zealand 3×3 basketball league.

Binubuo ang koponan ni coach Rolando Navarro na kilala ring ZVal nina former St. Francis of Asissi College standout mula Tumaga, Zamboanga City Christopher Concepcion, dating Zamboanga Valientes (Maharlika Pilipinas Basketball League) player Eric Miraflores, Sudanese-Australian Duom Dawan, at teen prospect Adam Compton, na may lahi ring Zamboangueño.

Tinaob din ng PH team ang Formosa Chinese Taipei, 21-5, at Barbers Boys Australia, 12-5. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.