Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Pinas higit 200M na virus bakuna

0 157

Inanunsiyo ng isang opisyal ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 na nalampasan na ang 200 million mark ng COVID-19 bakuna na dineliber sa bansa.

“Kinagagalak ko ibalita sa ating mga kababayan, another milestone natin, 200,885,005 doses ang natanggap natin mga bakuna,” pahayag ni Assistant Secretary Wilben Mayor na siya ring Strategic Communications on Current Operations head ng NTF.

Kabilang aniya ditto ang mga biniling bakuna ng pribadong sektor na 1,957,000 doses ng AstraZeneca na dumating Linggo ng gabi.

SM food to go Banner Ad

Kasabay nito, hinikayat ni Mayor ang lahat ng mga hindi pa nagpapabakuna na magpaturok na upang maiwasan ang banta ng Omicron variant lalo pa ngayong maraming bakuna na ang magagamit.

Sa huling ulat ng pamahalaan, kinakailangan pang mabakunahan ang nasa pitong milyong Pilipino bago matapos ang buwan ng Disyembre ngayong taon para makuha ang target na 54 milyong indibiduwal na bakunado laban sa COVID para makamit ang population protection. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.