Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Pinas hindi matutulad sa Sri Lanka

0 186

Nakakaawa ang mga tao ngayon sa Sri Lanka dahil sa nararanasan nilang economic crisis. Bunsod ito ng kakapusan sa foreign currency na siyang naging dahilan para hindi makabili ng imported fuel kaya araw-araw na nararanasan ang 13 oras na brownout.

Sinisisi dito si Sri Lankan President Gotabaya Rajapaksa na nagpatupad ng pagbawas sa pinaiiral na buwis noong 2019 bago nanalasa ang COVID-19 pandemic na nagpahirap sa maraming bansa sa buong mundo. Naranasan tuloy ng kanilang gobyerno ang kambal na deficit.

Ang Sri Lanka ay isang island country sa South Asia malapit sa India at Maldives. Higit 22 milyon lang ang populasyon dito.

Tiniyak na ni National Economic and Development Authority (Neda) Secretary Karl Kendrick Chua na hindi mararanasan ng Pilipinas ang nangyayari ngayon sa Sri Lanka.

“So far, malabo kasi we are two different countries. We are on our path to economic growth and accelerated growth,” wika ng kalihim sa isang forum.

“We have a strong macroeconomic fundamentals. Our credit ratings are the highest ever, in fact we can borrow very cheaply,” paliwanag pa niya.

Ipinagmalaki pa ni Chua na dahil sa pinatupad na reporma ng administrasyong Duterte, “secure” na raw ang “future” ng Pilipinas.

Kaya naman si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kumuha ng mga bigating miyembro ng “economic team” sa pangunguna ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Gov. Benjamin Diokno na uupong Finance Secretary simula sa Hunyo 30.

Pero ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, kahit dream team pa ang binuong economic team ni Marcos Jr., kailangan pa rin ang koordinasyon sa Lehislatura para maisabatas ang mga panukala na magpapaangat sa ating ekonomiya.

“We need not just the best minds but team players. The next economic team must be able to work with the legislative in terms of legislation,” saad ni Drilon.

“The economy is in a very difficult situation. We have a debt of P12.68 trillion as of March. We continuously incur a huge budget deficit because of our inefficient tax collection that is made even worse by the pandemic. Our COVID-19 war chest is dwindling, yet, the pandemic is still within our midst,” dugtong pa niya.

Dapat daw samantalahin ni Marcos ang tinatawag na “honeymoon period” para maisakatuparan ang mga ipapatupad nitong reporma sa gobyerno.

Karaniwan nang ibinibigay sa mga bagong halal na Pangulo ng bansa ang “honeymoon period.” Kumbaga, bigyan muna ng tsansa na magtrabaho bago punahin kung may pagkakamali.

Naalala ko tuloy ang sinabi ng isang natalong presidential bet. Hindi natin kailangan ang presidente na magte-training pa lamang.

Nag-apply siya sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno kaya dapat malawak ang kanyang kaalaman sa pagpapatakbo ng Pilipinas na ngayon ay parang naglalayag pa sa maalon na dagat dahil sa pandaigdigang krisis.

Leave A Reply

Your email address will not be published.