Abante Tonite Interactive

‘Pinas host sa ASEAN-Russia Youth Summit

0 85

Nakatakdang mag-host sa kauna-unahang pagkakataon ang Pi­lipinas sa gaganaping ASEAN-Russia Youth Summit sa Nobyembre 26-30 sa Hilton Manila sa Newport, Pasay City.

Sinabi ni Natio­nal Youth Commission (NYC) Chairperson at CEO Ryan Enriquez na may 25 kabataang Pili­pino na pinili sa mga aplikante ang lalahok sa event kasama ang iba pang kabataan mula sa mga bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ayon kay NYC Pre­sidential Staff Offi­cer Cristabeth Madrigal, magkakaroon ang kabataang Pinoy ng oportunidad na matuto at maunawaan ang kahalagahan ng people-to-people connectivity sa pagitan ng ASEAN at Russia kaugnay sa edukasyon, cultural exchange, kalakalan, negosyo, at ekonomiya.

“They will also have the opportunity to interact with their ASEAN and Russian youth counterparts and learn from the ASEAN and Russian Discussants on people to people connectivity on education, cultural exchange, economy, trade, and business exchanges,” ayon kay Madrigal.

Sa pahayag ni Ale­xander Ivanov, ang summit ay isang bagong communication channel sa pagitan ng ambassador-at-large na res­ponsable para sa Russia at Southeast Asian nations.

Ang naging host noong nakaraang taon ayon kay Russian Ambassador to Cambodia Dmitry Tsvetkov ay Cambodia.

Nasa ikalimang taon na ang NYC at Russian Federation at ang ASEAN secretariat sa pag-oorganisa ng event. (Juliet de Loza-Cudia)