Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Pinas kakapusin sa supply ng bakuna – Galvez

0 121

Sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. na posibleng magkaroon ng shortage ng coronavirus vaccine supply sa una at ikalawang bahagi ng taon.

Ani Galvez, chief implementer ng National Task Force Against COVID-19, karamihan umano kasi ng bakuna ay binili na ng Amerika at mga European country. Sa kabila nito, tiwala siyang marami pa rin ang mababakunahan laban sa virus ngayong taon.

“Sinasabi nga po natin sa quarter — first quarter or second quarter magkakahirapan pa po rin tayo dahil kasi ‘yong karamihan ng mga western vaccine ay ginagamit po ng mga taga-Europe at saka sa Amerika po,” lahad ni Galvez sa pakikipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang opisyal tungkol sa pandemic response noong Lunes.

Unang sinabi ng gobyerno na planong simulan ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa Pilipinas sa kalagitnaan ng Pebrero. Mula sa Pfizer, AstraZeneca at Sinovac ang hinihintay na bakunang darating sa bansa. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.