Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Pinas kalahating milyon na kaso ng COVID-19

0 114

Sumampa na sa mahigit kalahating milyon ang mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, base sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) nitong Linggo, Enero 17.

Sa DOH COVID-19 Case Bulletin No. 309, nabatid na nakapagtala ng 1,895 bagong kaso kaya umakyat na sa 500,577 ang kabuuang kaso ng coronavirus sa bansa.

Nasa 5,868 naman ang bagong gumaling dahilan para umabot na sa 465,991 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19.

May 11 katao naman ang nasawi kaya sumampa na sa 9,895 ang kabuuang bilang ng mga namatay sa virus.

Base pa sa datos ng DOH, nanguna ang Davao City sa mga probinsya at siyudad na may mataas na naitalang kaso nitong araw ng Linggo.

Nakapagtala ang Davao City ng 107 bagong kaso, kasunod ang Quezon City sa bilang na 106, 65 sa Isabela, 63 sa Pampanga, at 62 sa Bulacan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.