Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Pinas kulelat sa COVID respond – study

0 90

Lumabas sa isang pag-aaral na pinakamababa ang Pilipinas sa ibang mga bansa sa Asya pagdating sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

SM food to go Banner Ad

Sa COVID resilience ranking ng American media na Bloomberg, lumabas na pang-46 ang Pilipinas sa 53 bansa na kabilang sa pag-aaral hinggil sa pagresolba sa health crisis nang may pinakamaliit na epekto sa ekonomiya at lipunan. Malaki ang agwat ng ‘Pinas sa rank ng ibang mga bansa sa Southeast Asia na nasa listahan, gaya ng Vietnam, 10; Singapore, 11; Thailand, 15; Indonesia 19; at Malaysia, 29.

Pasok naman sa Top 15 ang mga kalapit nitong bansa sa Asya tulad ng Japan, Taiwan, South Korea, China, at Hong Kong. Nanguna sa listahan ng COVID resilience ang New Zealand na ayon sa Bloomberg ay may matulin at mapagpasyang aksiyon laban sa coronavirus. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.