Abante Tonite Interactive

‘Pinas kulelat sa Reading, Science, Math

299

Nangulelat ang Pilipinas sa Reading Comprehension, Science at Mathematics mula sa mga bansang kabilang sa Programme for International Student Assessment (PISA).

Batay sa ulat, pinakakulelat ang Pilipinas sa Reading Comprehension habang second lowest naman sa Science at Mathematics.

Ang PISA survey na isinagawa ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD) mula pa noong 2000, sa mga 15-anyos na mga mag-aaral ay ebalwasyon sa kanilang kaalaman at husay sa tatlong nabanggit na subject o asignatura.

Nasa 600,000 mga mag-aaral mula sa 79 bansa ang sumailalim sa pagsusulit noong 2018 at kabilang dito ang Pilipinas na lumahok sa unang pagkakataon.