Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Pinas kumpleto na sa Hanoi

0 33

Ayos na ang Team Pilipinas sa tinaguriang ‘fighting roster’ para sa 31st Southeast Asian Games sa pagtatapos ng delegation registration meetings (DRM) sa Hanoi, Vietnam.

Iniulat ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner at chef de mission Ramon Fernandez na naisumite na niya ang akreditasyon ng buong 981-strong delegation, kabilang ang 641 atleta mula sa 38 sports.

Umaasiste sa nasabing opisyal bilang mga deputy chef de mission sina Pearl Managuelod at Carl Sambrano sa pagkuha ng mga identification card bago ang opening ceremony na inihahanda ng host Vietnam sa Mayo 12.

“We have to make sure that everything will be in order before our athletes compete for medals. There should be no distractions as they focus on their respective events,’’ ani Fernandez.

Nasa 318 opisyal at 18 support staff ang susuporta sa mga atleta, na ang partisipasyon at paghahanda ay buong binabalikat ng PSC sa halagang P232 milyon. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.