Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Pinas lampas 25K na dedbol sa coronavirus

0 89

Mahigit 25,000 na ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DOH) nitong Sabado, Hulyo 3.

Nakapagtala ang DOH ng 90 bagong bilang ng mga nasawi kaya naman umabot na sa 25,063 ang kabuuan ng mga pumanaw sa bansa sanhi ng COVID-19.

Umakyat na rin sa 1,430,419 ang mga kumpirmadong kaso matapos madagdag ang 5,908 sa mga panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

SM food to go Banner Ad

Samantala, bahagyang bumaba sa 53,665 ang mga aktibong kaso matapos gumaling ang 7,698 indibidwal.

Ang kabuuang bilang naman ng mga nakarekober ay 1,351,691. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.