Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Pinas ligtas na sa bird flu

0 96

Idineklara nang ligtas ang Pilipinas sa bird flu o Avian Influenza virus, na dumapo sa poultry industry, ayon sa anunsyo ng World Organization for Animal Health.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), sa loob lamang ng isang taon ay naresolba na ang umusbong na bird flu outbreak sa backyard poultry farm sa Pampanga at Rizal.

Hulyo at Agosto noong 2020 nang unang ma-detect ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang virus na siyang dahilan para magsagawa ang ahensya ng agarang sanitary control at containment operation.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na welcome development ito sa poultry industry sa bansa dahil ang manok at iba pang poultry product ay malaking source ng protina gaya rin ng karneng baboy at baka na mas mahal nang ‘di hamak ang presyo sa mga pamilihan.

“I congratulate the DA-BAI (Bureau of Animal Industry) and the local governments of Pampanga and Rizal, whose swift action resulted in limiting the further spread of the AI A(H5N6) strain to other areas,” ani Dar.

“We had not detected any case of AI A(H5N6) among the poultry and other bird population in the last 90 days after the completion of cleaning and disinfection in the affected farms, surveillance and monitoring, and completion of the 35-day restocking period with sentinel animals in Pampanga and Rizal,” pahayag naman ni DA-BAI Ronnie Domingo. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.