Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Pinas magba-bubble sa Japan

0 211

Magtatayo ang Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) ng training bubble sa isang ligtas na lugar sa Japan para sa mga qualified at nais humabol na atleta sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo.

“Kung open na ang travel, why not join other tournaments,” wika nitong Miyerkoles ni POC president Abraham Tolentino, sa posibilidad na paglahok ng ‘Pinas sa Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) at iba pang Olympic Qualifying Tournaments. “Magiging part pa rin iyan ng exposure para sa Olympics at sa Vietnam SEA Games 2021.”

Una nang pinahayag ni PSC Chairman William Ramirez, na bilang safety measures hangad niya munang manatili ang mga atleta sa kani-kanilang mga lalawigan para agad makapasa kapag sumailalim sa quarantine period at mga swab test na hindi magiging sagabalsa programa at training. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.