Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Pinas may COVID vaccine na sa April 2021 – FDA

0 140

Malaki ang posibilidad na magkaroon na ng COVID-19 vaccine sa Abril 2021 sa Pilipinas.

Ito ang inihayag ng Food and Drugs Administration (FDA) kung makukumpleto ang clinical trial sa Disyembre o Enero at makakapag-apply ang manufacturer sa FDA ng Certificate of Product Registration (CPR) ay malamang na sa Abril ay may aprubado ng vaccine.

“Best case scenario ‘yun. Meaning ‘yung 3 to 6 months (trial) magiging 3 months and they will complete all of their analysis and submit immediately,” ayon kay FDA Director General Rolno Enrique Domingo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Domingo sa kanyang pagtaya kapag 3 hanggang 6 na buwan ay matatapos na ang criminal trials at kasunod noon ay maari na silang magsumite ng aplikasyon sa CPR sa FDA.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay nakikipag negosasyon sa 17 vaccine developers at 6 sa kanila ang lumagda sa confidentiality disclosure agreements (CDA) kung saan pumapayag sa “sharing” ng kanilang trial result.

Tiniyak naman ni Domingo na mamadaliin ang pag aproba sa procedures. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.