Abante Tonite Interactive

‘Pinas nangunang dive destination

0 149

Kinilala ang Pilipinas sa ginanap na WTA Grand Final Gala Ceremony sa Oman bilang 2019 World’s Leading Dive Destination.

Kabilang sa mga pinagpilian ang Azores Islands, Bora Bora sa French Polynesia, Cayman Islands, Fiji, Galapagos Islands, Great Barrier Reef sa Australia, Mexico, at ang apat na beses ng title holde­r ang Maldives.

Ang prestihiyosong Amanpulo Resort sa Palawan ang nanalo bilang World’s Leading Dive Resort sa gala event.

“Dubbed by marine experts and scientists as the heart of marine biodiversity in the world, our country is home to the highest concentration of coral reef life and astounding variety of marine species. This latest recognition is a validation that the Philippines is truly a premier dive destination,” ayon kay Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Noong nakalipas na Oktubre ginanap ang WTA gala event sa Asia and Oceana sa Vietnam kung saan unang nagkaroon ang Pilipinas ng award bilang first Asia’s Leading Dive Destination award sa kabila na ilang beses na nominasyon mula noong 2006.

Isa umano ang Dive tourism sa nangunguna sa product portfolios sa ilalim ng Philippines’ National Tourism Development Plan (NTDP) 2016-2022. (Juliet de Loza-Cudia)