Abante Tonite Interactive

‘Pinas nangutang ng $623M sa ADB

453

Uutang na naman ang administrasyong Duterte ng US$623.3 milyon para sa programa nitong Build, Build, build.

Ayon sa Department of Finance (DOF), kahapon pinirmahan nila at ng Asian Development Bank (ADB) ang tatlong bagong utang na may kabuuang $623.3 milyon.
Ang pinakamalaki dito ay ang US$400 milyon para sa “facilitating youth school-to-work transition program 2” na naglalayong tulungan ang pamahalaang magsagawa ng reporma para madaling makakuha ng trabaho ang kabataan.
Ayon kay ADB vice president Ahmed Saeed, nakagawa ng 1.3 milyong mga bagong trabaho sa bansa mula Oktubre 2018 hanggang Oktubre 2019 kaya bumaba ang unemployment rate ng Pilipinas.
May $200 milyon naman para sa additional financing ng infrastructure preparation and innovation facility at $23.3 milyon para sa capacity buildin­g upang mapalawig ang kompetisyon na siyang magpapababa ng mga presyo ng bilihin sa bansa.
Ayon sa DOF, ang tatlong bagong utang ay bahagi ng $10.3 bilyong inilaan ng ADB sa Pilipinas para sa medium term.
Sa $10.3 bilyon, $2.5 bilyon ang nakalaan ngayong taon, at $7.8 bilyon ang para sa 2020 hanggang 2021.
Sabi ni Saeed, ang $2.5 bilyong nakalaan ngayong taon ay ang pinaka malaking pautang ng ADB at patunay ito ng kanilang suporta sa Pilipinas at sa development agenda nito. (Eileen Mencias)