Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Pinas nilibre ng bayad-pinsala Pfizer, AstraZeneca

0 43

Lumagda at nagsumite na ang Pilipinas sa COVAX facility ng indemnity agreement para sa mga bakuna kontra coronavirus na gawa ng Pfizer at AstraZeneca.

“Nakapagpirma na po at naisumite na po natin ang mga requirements kasama na po dito ang indemnification agreements para sa Pfizer at AstraZeneca. Napirmahan na po namin iyon,” ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., Miyerkoles.

Hinihintay na lang umano nila ang tugon ng COVAX facility hinggil sa naturang kasunduan, kung saan tiniyak sa mga drugmaker na ang pamahalaan ang bahala kapag may mararanasang adverse effect ang tuturukan ng bakuna at walang liability ang mga kompanya.

“Binibigyan po namin sila ng guarantee na ‘yung gagawin natin na immunization, prepared na prepared na po ang Pilipinas, na kaya po natin i-handle pati po yung mga adverse effects,” dagdag ni Galvez.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Aminado si Galvez na may agam-agam ang mga vaccine manufacturer na mag-supply ng bakuna sa bansa dahil sa takot na matulad sa kontrobersiyang sa ng Dengvaxia vaccine ng Sanofi.

Aniya, nais munang makasiguro ng mga kompanya ng bakuna na hindi matutulad sa Sanofi na madedemanda sakaling magkaproblema sa epekto ng bakuna. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.