Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Pinas P10 trilyon na utang

0 366

Umabot na sa P10.3 trilyon ang utang ng Pilipinas hanggang katapusan ng Enero 2021.

Kung paghahatian ito ng bawat Pilipino, sanggol man o matanda, ang bawat isa ay mayroong utang na P94,747.34 kung ibabatay sa 109 milyong populasyon.

Bago umupo ang administrasyong Duterte noong Hulyo 2016, ang utang ng Pilipinas ay nasa P5.9 trilyon lamang.

Simula nang magkaroon ng pandemya sa COVID-19 mas umasa na ang gobyerno sa pangungutang pata tustusan ang gma gastusin dahil maraming mga kompanyang nalugi at nagsara kaya bumaba ang koleksyon ng buwis. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.