Abante Tonite Interactive

‘Pinas papasaklolo kay Blatche

290

Lito Oredo

Hangad ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na maisalba ang natitirang pag-asa kaya isasamang muli ang naturalized pla­yer na si Andray Blatche para sa Team Pilipinas sa ikaanim at pinakahuling window ng Asian Qualifiers upang makapagku­walipika sa China 2019 FIBA World Cup.

Inihayag ni SBP special assistant to the president Ryan Gregorio na kasalukuyang kinumkumpleto nila ang plano na ibalik ang 6-foot-11 na si para sa huling yugto ng qualifier.

Hindi isinama ang da­ting Washington Wizard player sa NBA sa pambansang koponan sa pagnanais ng coaching staff na mabigyan ng tsansa ang mga Pilipinong manlalaro na ipakita ang kanilang kakayahang manalo kahit wala ito.

Nabigo ang Gilas sa hu­ling dalawang laro kontra Kazakhstan at Iran sa ikalimang window na isinagawa sa Pilipinas sa ilalim ni coach Yeng Guiao.

Hindi pinalaro si Blatche kahit maaari na itong sumalang kontra Iranians matapos na maisilbi ang kanyang suspensiyon sa pagkakasangkot sa rambol ng Philippines-Australia sa Philippine Arena noong Hulyo.

Inaasahan ng ‘Pinas na masasandigan si Blatche upang makahabol pa sa World Cup.

“As far as the SBP is concerned, we are in touch with the agent of Andray to finalize plans to bring him in early,” bigkas ni Gregorio, na siya ring assistant coach ni Guiao sa national team.

Nahulog sa delikadong ikaapat na puwesto ang Gilas sa Group F sa bitbit na 5-5 panalo-talong record at nakatakda nito sagupain ang Qatar at Kazakhstan sa Pebrero 2019.

May pagkakataon pa na mag-qualify sa FIBA World sa Setyembre subalit hindi na nito magagawa na maipatalo ang kanilang huling dalawang laro.