Abante Tonite Interactive

‘Pinas pinakadelikadong pasyalan

0 290

Sa pagbisita sa isang lugar, partikular sa malayong bansa, ang kaligtasan ang priority ng isang tra­veller, mapa-grupo at lalong-lalo na ng mga solo o backpacker.

Bagama’t naghigpit ang bansa partikular na sa seguridad ay lumabas pa rin sa isang consensus na ginawa ng Global Finance Magazine, isang monthly financial mag, na ang Pilipinas ang pinaka­delikadong pasyalan nga­yong 2019.

Batay sa lumabas nitong artikulo noong Enero, sa 128 bansa na kabilang sa pinagbotohan, Pilipinas ang nakakuha ng pinakaraming boto para sa delikadong bansa. Sinundan ito ng Yemen, ang ­second-largest Arab sovereign state, at Guatemala, kung saan mara­ming bulkan ang matatagpuan.

Pasok din sa Top 10 ang El Salvador, Nigeria, Pakistan, Colombia, Bangladesh, Chad at Mali.