Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Pinas pumalo utang sa P11.6 trilyon

0 134

Nadagdagan ng P32 bilyon ang utang ng Pilipinas na umabot na sa P11.64 trilyon noong katapusan ng Agosto, sabi ng Bureau of the Treasury (BTr) kahapon.

Kung babayaran ito ng bawat isa sa 109 milyong Pilipino, sanggol man o matanda, kailangang magluwal ng P106,812.10 kada isa.

Ayon sa BTr, lumaki ang utang dahil humiram ito sa mga lokal na bangko at mga investor noong Agosto.

Base sa datos ng BTr, nasa P8.22 trilyon ang utang sa domestic sources at P100.7 bilyon ang dinagdag na utang sa kanila noong Agosto.

Maliit lamang ang ikinalago ng kabuuang utang dahil lumakas ang piso laban sa dolyar kaya nagmukhang kumonti ang foreign debt at nagbayad pa ang pamahalaan ng konti noong Hulyo.

Ang foreign debt ay kinuwenta sa halagang P50.223 sa bawat dolyar samantalang nasa P49.762 na lamang ang ginamit na palitan noong Agosto. Ayon sa BTr, bumaba ng mahigit P34 bilyon ang foreign debt dahil sa paglakas ng piso laban sa dolyar at iba pang foreign currency at nagbayad pa ang pamahalaan ng P34.22 bilyon. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.