Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Pinas pumalo utang sa P9 trilyon

0 180

Tinala ng Bureau of the Treasury (BTr) sa P9.4 trilyon ang utang ng pamahalaan hanggang noong katapusan ng Setyembre kung kailan bumaba ang pagkakautang nito sa labas ng bansa at tumaas naman ang foreign debt kung ikukumpara noong Agosto.

Kung hahatiin umano sa 109 milyong Pilipino ang utang, papatak ito sa P85,952.99 bawat isa, sanggol man o matanda, at halos katumbas na ng limang buwang suweldo ng minimum wage earner.

Kapansin-pansin ang paglaki ng foreign debt o external debt sa P2.93 trilyon noong Setyembre mula sa P2.90 trilyon noong Agosto dahil lumakas naman ang piso.

Kinuwenta ng BTr ang foreign debt ng pamahalaan sa palitan na P48.422 sa bawat dolyar noong Setyembre samantalang P48.483 naman ang ginamit na palitan noong Agosto.

Mahalagang binabantayan ang palitan ng piso at dolyar sa pagkuwenta ng foreign debt dahil lumalaki ito kung humina ang piso samantalang lumiliit naman kapag lumalakas ang piso. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.