Abante Tonite Interactive

‘Pinas sesentensiyahan na mamaya sa FIBA draw

0 161

Sa Shenzhen Bay Arena sa China mamayang alas-6:30 ng gabi magsisimula ang draw na sesentensiya sa 32 teams kung saan sila pupuwesto sa group phase ng 18th FIBA World Cup 2019.

Ikakalat ang 32 sa walong pots na may tig-apat na teams, base sa Nike FIBA World Rankings. Nasa Pot 1 ang China bilang tournament hosts, kasama ang USA (world No. 1), Spain (No. 2) at France (No. 3).

Nasa pots 2-8 ang 28 na iba pa, base sa kanilang rankings maliban sa isang exception: iniwasan na magkaroon ng dalawang teams mula Americas sa iisang grupo.

Apat sa kanila (Dominican Republic, Puerto Rico, USA at Venezuela) ang idu-draw sa Groups A, C, E at G, nilagay sa Pot 6 ang Canada mula Pot 5 kapalit ng Iran na best-ranked team sa pot 6.

Para malinaw, ikakalat ang 32 teams sa 8 groups (A, B, C, D, E, F, G, H) na may tig-apat na teams.
Ang Pilipinas ay nasa Pot 6 kasama ng Canada, Montenegro at Korea.

Para maging balanse sa first at second rounds ng group phase, inayos ang groupings.

Ikakalat ang mga nasa Pots 1, 4, 5 at 8 sa Groups A, C, E at G. Ang Pots 2, 3, 6 at 7 sa Groups B, D, F at H. Magku-cross ang Group A sa B, C sa D, E at F, at G sa H.

Kapag nakumpleto na ang bawat grupo, idu-draw din ang position ng bawat team para malaman ang order ng laro sa kanilang grupo sa first round.

Ikakalat sa Groups A, C, E at G ang China, USA, Spain at France mula Pot 1. Sa Pot 2, ilalagay sa Groups B, D, F at H ang Serbia, Argentina, Lithuania at Greece. Sa Groups B, D, F at H din ang nasa Pot 3 na Russia, Australia, Brazil at Italy, hindi puwedeng magsama sa isang grupo ang Brazil at Argentina.

Sa Groups A, C, E at G ang Puerto Rico, Turkey, Dominican Republic at Venezuela mula Pot 4. Hindi puwedeng mabunot sa parehong grupo ng USA ang Puerto Rico, Dominican Republic at Venezuela.

Mula Pot 5, sa Groups A, C, E at G ang Germany, Canada, Czech Republic at Poland, pero hindi puwedeng magsama ang Iran at China.

Ang teams ng Pot 6 na Iran, Montenegro, Phi­lippines at Korea ay sa Groups B, D, F at H. Ihihiwalay ang Canada sa Argentina at Brazil, hindi rin puwedeng isama ang Philippines at Korea sa grupo ng Australia.
Ang Nigeria, Senegal, New Zealand at Angola sa Pot 7 ay sa Groups B, D, F at H. Hindi isasama ang New Zealand sa grupo ng Asian teams.

At sa Pot 8, ikakalat ang Japan, Jordan, Tunisia, Cote d’Ivoire sa matitira pang bakanteng grupo. Hindi puwedeng isama ang Japan at Jordan sa parehong grupo ng China o Iran.