Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Pinas sirit sa 124K COVID active case

0 242

Sumampa na sa 124,680 ang kasalukuyang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19, makaraang maitala ng Department of Health (DOH) ang bagong mga nagpositibo na umabot sa 9,296 nitong Martes.

Ito na ang panlimang sunod na araw na higit 9,000 ang nadagdag sa mga kaso ng COVID-19 sa bansa. Ayon pa sa DOH, umabot na sa 741,181 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus.

May 103 naman ang nakarekober sa sakit kaya nasa 603,310 na ang kabuuang bilang nang gumaling.

Habang may 5 na dagdag sa bilang ng nga nasawi kaya nasa 13,191 na ang kabuuang bilang ng namatay sa COVID-19. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.