Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Pinas umaarangkada kontra giyera sa droga

0 273

Sinabi ng Philippine National Police (PNP) na nananalo na ang bansa laban sa giyera kontra iligal na droga.

Ito ang pahayag ni PNP chief General Archie Francisco Gamboa sa tanong hinggil sa sitwasyon ng gobyerno sa kampanya kontra iligal na droga.

Ayon kay Gamboa, malaki na ang nabawas ng mga drug users sa bansa at tone-tonelada ng iligal na droga ang nasamsam ng awtoridad sa kanilang operasyon.

“I would say yes. We have won, as a matter of fact, we have actually reduced the number of users,” pahayag ni Gamboa sa isinagawang virtual press briefing sa Camp Crame nitong Lunes.

Kilo-kilo ring shabu ang nakukumpiska ng awtoridad sa isinasagawa nilang mga raid at paliwanag ni Gamboa dito ay hindi umano makapagbenta ang mga tulak dahil sa lockdown bunsod ng pandemic. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.