Abante Tonite Interactive

Pinatawag sa barangay dahil sa cash loan

786

Atty. Claire Castro

Good day po Atty. Claire,

Gusto ko lang po sana mag-ask ng legal advise po. May cash loan po kasi ako sa Home Credit. May almost 6 months na po akong delayed sa pagbayad dahil po sa family issues at problema. Willing po ako magbayad kaya lang po wala pa po akong kakayanan sa ngayon.

May nagpunta po sa bahay namin na collection agent from law office. Ang sabi po `pag hindi ako nagbayad within 5 days from receipt of demand letter na binigay nia eh ipapatawag po ako sa barangay.

Ganun po ba talaga ang proseso Atty. Claire? May right po ba silang gawin `yung ganun? Nais ko po sana humingi ng payo mula po sa inyo Atty.

Maraming Salamat po. God bless po.

Related Posts

Patay na kuko

Catherine

Ms. Catherine,

Ang nagpautang ay may karapatan na maningil at mabayaran at ang umutang naman ay may obligasyon na magbayad ng tama at sa oras. Kahit sabihin pa na willing magba­yad ngunit ang tanong ay KAILAN.

Sa sitwasyon mo na anim na buwan ng hindi nakakabayad ay normal lang na singilin dahil matagal-tagal ka nang hindi nakakatupad sa iyong obligasyon. Ang pagpapatawag sa barangay ay isang magandang hakbang para sa kanila at sa iyo dahil maaari kayong magkasundo kung paano mo mababayaran ang utang at ang interes nito. Sa ibang mga nagpapautang ay hindi na idadaan pa sa barangay ang usapan lalo pa at hindi naman sila sakop sa mga probisyon ng Katarungang Pambarangay Law dahil isa itong entity o corporation at hindi indibidwal o tao. Karamihan na ginagawa ng nga nagpapautang ay nagsasampa na ng kaso sa korte at hindi na nakikipag-usap pa sa barangay.

Ang maganda mong gawin bago pa dumating ang palugit na ibinigay sa iyo ay makipag-ugnayan ka na sa kanila at sabihin ang plano sa pagbabayad upang maiwasan ang anumang legal na aksyon na maaari nilang gawin laban sa iyo, tulad ng pagsasampa ng kaso sa korte na karaniwan ay humahantong sa mas mataas na babayaran dahil sa mga karagdagang nagastos nila sa pagsampa ng kaso.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o 922-0245 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com