Abante Tonite Interactive

Pinatay ang girlfriend

334

Dear Dream Catcher:

Nanaginip akong ka-date ko ang girlfriend ko tapos daw ay naglalaro ako ng balisong. Then nang naglalakad na kami hinarang kami ng isang holdaper na may dala ring balisong. Nahawakan niya ang girlfriend ko at itinutok ang kanyang balisong sa leeg ng girlfriend ko. Hindi ako makakilos dahil sa pagkabigla, biglang ginilitan ng holdaper ang girlfriend ko hanggang sa maputol ang kanyang leeg.

Ikinuwento ko sa girlfriend ko ang panaginip ko at pagkaraan ng ilang araw, siya naman ang nanaginip na ­sinusundo raw siya ng lolo at lola ­niyang matagal nang patay. Bakit parehas ­kaming masama ang panaginip?

Bryan

Dear Bryan:

Ang panaginip na naging witness ka sa pagkamatay ng isang mahal mo at wala kang nagawa para pigilan ang kanyang pagkamatay ay indikasyon na may takot kang nararamdaman para sa taong mahal mo.

Related Posts

Madalas kapag labis tayong ­nagmamahal, sa likod ng ating isip ay nandoon lagi ang takot na paano kung isang araw ay mawala sa iyo ang ­mahal mo. Ang takot na ito ay puwedeng ­hindi natin aktuwal na naiisip pero ­dahil ­nakasiksik ito sa iyong subconscious, maaari itong lumabas bilang panaginip.

Hindi mo rin dapat bigyan ng ­negatibong interpretasyon ang iyong panaginip dahil sa mga pag-aaral ang panaginip sa kamatayan ay ­hindi ­nangangahulugan ng aktuwal na kamatayan sa halip ay isang ­pagsisimula o maaring isang pagbabago.

Ang panaginip naman ng iyong girlfriend na sinusundo siya ng mga namatay niyang mahal sa buhay ay maaaring konektado lamang sa pagkukuwento mo sa kanya ng iyong panaginip.

Dream Catcher

***

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating pana­ginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispirit­wal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.