Abante Tonite Interactive

Pinatay na BuCor inspector sinibak sa pangongotong – Bato

By
1,151

Iniimbestigahan na ngayon ang mga posibleng motibo ng pagpatay sa isang opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) na pinagbabaril ng isang suspek malapit sa Sun­ken Garden ng New Bilibid Prison (NBP) Reservation sa Brgy. Poblacion, Makati City, Linggo ng hapon.

Sa isang panayam, sinabi ni BuCor Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa na tatlong anggulo ang kanilang tinitingnan na motibo ng pagpatay kay Inspector Romel Reyes, 41-anyos, na nakatalaga sa Bureau of Reservation Security Service (BRSS).

Kabilang aniya dito ang posibleng love triangle extramarital affair, panghihingi ng pera sa mga preso sa NBP kapalit ng mga pabor sa mga ito, at ang iba pang kasong isinampa laban sa biktima.

Abante Hiring – IT dep

“Matagal na po siyang tinanggal dahil marami kaming natatanggap na reklamo laban dito kaya agad ko siyang inilipat sa ibang unit para hindi na luma­wak ang kanyang ginagawa.

“Sinampahan namin po siya ng kaso dahil humihingi siya ng pera sa mga inmates para magkaroon ng dalaw,” ani Bato.
Sabi ni Dela Rosa, bumuo na siya ng isang grupo ng mga imbestigador para tumulong sa pag-iim­bestiga ng Muntinlupa City ­Police.