Abante Tonite Interactive

Pinatay na lolo pinapak ng mga daga

By
1,778

Tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan nang matagpuan kahapon ng madaling-araw ang bangkay ng isang matandang lalaki sa Quezon City.

Ang masaklap pa ay pinagpipistahan na ng mga daga ang bangkay ng biktima na nakila­lang si Eliseo Tuazon Samia, 69-anyos, isang taxi driver at naninirahan sa No. 32A Gene­ral Malvar St., TS Cruz Compound, Brgy. San Agustin, Novaliches, Quezon City.

Base sa inisyal na ulat ni PO3 Virgilio Mendoza, Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, natagpuan ang bangkay ng matanda dakong alas-kuwatro ng madaling-araw sa madilim na bahagi ng Susano Road malapit sa Shell gasoline station.

Abante Hiring – IT dep

Tinadtad umano ng saksak ng patalim ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito at nang matagpuan ay nilalantakan na ng mga daga ang bangkay.

Nabatid na nagpapatrolya ang mga tauhan ng Novaliches Police Station nang mapansin ang bangkay sa nasabing lugar.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya para malaman kung ano ang motibo ng pagpatay sa biktima at upang matukoy din kung sino ang may kagagawan sa krimen. (Dolly Cabreza)