Abante Tonite Interactive

‘Pinatay’ ng vlogger: Marcelito bumuwelta

724

Nabahala si AGT The Champions 3rd runner-up Marcelito Pomoy nang makita ang YouTube video na ­sinasabing patay na siya.

Sa 25-segundong video ni YouTuber “Lonely Girl,” may titulong “Marcelito Pomoy Found Dead in his hotel room,” mababasa ang katagang “REST IN PEACE 1984-2020” katabi ng mukha ni Pomoy.

Sa gitna, maririnig ang isang anchor na sinasabing “Finally, I have some sad news to share with you today.”

“R.I.P. Vanessa Bryant 1982-2020” naman ang kasunod na larawan, katabi ang mukha ni Vanessa na asawa ng pumanaw na NBA legend Kobe Bryant.

Pareho itong nilakipan ng logo ng BBC News.

“Alarmed with this post.. Please don’t post fake news just to have views in Youtube… That is so not right,” wika ng Pinoy singer sa Instagram .

“I am really sad right now… I love how Vloggers earn money from all my ­performances in AGT and all but please don’t post like this… I am alive and ­kicking!!! Thank you so much,” ­paglilinaw pa nito.