Abante Tonite Interactive

‘Pinatay n’yo ang stylist namin’ — Billy

By
11,490

KUNG gaano nagalit ang mga netizen sa concept ng photo shoot nina Billy Crawford at Coleen Garcia in Ethiopia, Africa, pinagtatawanan naman nila ang printed outfit ng dalawa na may kaparehong kumot, pillow cases, bed sheet, bag, etcetera.

Viral ngayon ang mga larawan kung saan nga ay pinagtatabi pa nila ang mga larawan ng showbiz couple wearing the outfit at ang mga nasabing items na kapareho ng telang suot ng dalawa.

Laugh to death ang mga netizen at pinagdedebatehan kung nagmukha bang mumurahin ang suot ng showbiz couple dahil dito or kung nagmukha bang mamahalin ang nasabing items dahil nga isinuot ng da­lawa.

Abante Hiring – IT dep

Pero ang nakakatuwa, maging si Billy ay natatawa at ni-repost pa ang mga larawan ng bag, pillow case and bed sheet na kapareho ng suot nila.

Caption ni Billy sa picture ng seat cover na pareho ng print ng suot niya, “all around pala ang telang ito” at nilagyan ng hashtag na #stylistisdead at #keepemcomin.

‘Yung picture naman ng printed na suot ni Coleen na may kaparehong bag, nilagyan ni Billy ng hashtag na #ika6natela.

“Yung isa namang outfit ni Coleen na may kaparehong bedsheet, caption ni Billy, “Billy and @coleen out! #MicDrop seriously sa lahat ng gumawa nito salamat binuhay n’yo katawang lupa namin pero pinatay n’yo ang stylist namin! Bwahahahahaha.”

In fairness, hindi pikon si Billy, huh!

Samantala, humingi na ng public apology ang showbiz couple kung may na-offend man sila sa prenup photos na sinasabing ‘offensive’, ‘distasteful’ at ‘insensitive’.

Nilinaw nina Billy at Coleen na ang nasabing photo shoot ay parte ng tourism shoot sponsored by Ethiopian Airlines at hindi pa ito ang kanilang official prenup shoot.

Donny at Tonny magkaribal kay Kisses

SA presscon para sa mga bagong talent ng Star Magic, nilinaw nina Donny Pangilinan at Tony Labrusca na wala silang conflict dahil kay Kisses Delavin na parehong itinatambal sa kanila.

“Honestly, me and Tony, wala pong conflict at all,” simula ni Donny, “Actually, we’re just very blessed to be in this position, saka, I think we all see how powerful their chemistry is, Tony and Kisses, how good they are performing together and I’m just excited that I’m able to also showcase my talent as well.

“At saka feeling ko, basta maibigay lang namin our best, that we can promise good entertainment with the fans, I think that’s just what matters the most.

“If you’re asking about conflicts between both of us, there’s really none.

Ayon naman kay Tony, para sa kanya ay wala raw talagang kompetisyon at ang showbiz lang ang naglalagay nito between two people.

Pero masaya raw siya talaga na makasama si Kisses at sinabi niya ito kay Donny.

“For me and Donny, what we are talking about kanina, masaya lang ako kung makakatrabaho ko si Kisses, ‘yun ang importante. As long as I get to work with Kisses, what’s wrong with Donny also working with Kisses?

“I mean, they have a teleserye together. Me and Kisses are gonna have an online show together, we have a show in Singapore together, so I mean, KisTon fandom is happy, DonKiss fandom is happy.

“So you know, at this point, hindi pa po namin alam kung ano ‘yung official statement ng ma­nagement kasi wala pa pong official loveteam. Pero it’s like…we’re making­ people happy, so I mean, why does there have to be a conflict? You know I mean, every­body’s working. ‘Yun ‘yung gusto namin sa showbiz – magtrabaho. So ‘yun na nga ang ginagawa namin. Eh di masaya,” sabi ni Tony.

Donny and Tony are both part of the new batch of Star Magic Circle 2018 na ini-launch last Sunday.