Abante Tonite Interactive

Pinatira lang ayaw nang umalis

406

Dear Atty. Claire:

Magandang araw po. May lupain po ako na 2.6 hektarya na puro kakahuyan at pasture ground. Mahigit 15 taon na po ang nakalipas, may pinatira kami na isang pamilya na malapit sa amin, na sa hiling nila ay bibilhin sa kalaunan ang pagtitirikan ng bahay.

Pumayag po kami sa verbal na usapan, at ngayon hinihiling na namin na bayaran nila ang kinatitirikan ng bahay nila. Pero sabi nila ilalaban na lang daw nila ng ‘possession’ dahil may nakausap na sila sa Department of Agrarian Reform (DAR).

Meron nga po ba silang ligal na karapatan na magmay-ari ng lupang kinatitirikan ng bahay (temporary construction in wood) nila? Unang-una hindi po sila mga magsasaka.

Ano po ang proseso na dapat kong gawin para mapaalis sila?

Salamat po sa atensyon ninyo.

Gumagalang,
Pab

Mr. Pab:

Dahil hindi ninyo siya farmer at siya ay pinayagan lamang na tumira sa lupa ninyo ay hindi naman po iyan sakop ng DAR at hindi niya maaaring gamitin ang depensa na possession dahil una’t una pa lang ay may titulo na kayo at hindi niya iyon basta maaangkin.

Ang una ninyong gawin ay magpadala kayo ng demand letter kung saan isusulat ninyo na pinuputol na ninyo ang pag-to­lerate na manatili siya sa lupa dahil gagamitin na ninyo ito. Bigyan ninyo siya ng 15 days upang makaalis sa inyong lupa at kung ‘di siya aalis sa araw na gusto ninyo ay dapat na magba­yad siya ng halaga dahil sa patuloy niyang pag-okupa ng lupa.

Hindi rin obligas­yon na bayaran siya sa mga ginawa niya sa inyong lupa dahil mas nakinabang siya sa pagtira niya ng lib­re sa inyong lupa.

Kapag hindi siya sumang-ayon sa inyong hiling ay kakailanganin na ninyong mag-file ng ejectment case sa korte at hindi sa DARAB.

Ngunit mas maganda pa rin kung magkakasundo kayo para hindi na humantong sa kasuhan na siguradong gagastos pa kayo at aksaya sa oras ninyong dalawa.

***

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o 922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.